Operator ng pasugalan at 11 mananaya arestado sa huli week “Oplan Bolilyo” ng CIDG Batangas
Arestado ang labing dalawang katao kabilang ang operator na nagpapatakbo ng gambling den o pasugalan na “Monte o Sakla” sa isinagawang “Oplan Bolilyo” ng Criminal Investigation and Detections Group (CIDG) Batangas Provincial Field Unit ngayon linggo ng Semana Santa bandang 11:43 ng gabi araw ng Martes (April 15, 2025) sa Brgy. San Luis, Sto. Tomas City, Batangas.
Kinilala ang gambling operator na si Jayson Narito, 38 anyos, at ang labing isang sugarol sugarol na hindi na pinangalanan na mga nasa hustong gulang at pare-parehong mga residente sa nabanggit na lugar.
Base sa ipinadalang report ni CIDG Batangas Provincial Field Unit Police Lieutenant Colonel Jake Barila kay CIDG Director P/MGeneral Nicolas Torre III, nag ugat ang nasabing operasyon makaraang makatanggap ng impormasyon ang mga otoridad galing sa mga nagrereklamong residente dahil sa pagkalulong sa sugal ng ilan nilang mga kaanak na natututong gumawa ng masamang gawain.
Nasamsam sa lugar ang perang nagkakahalaga ng. Nine Thousand and Four Hundred Pesos (P9,400.00,) at mga gambling paraphernalias.
Pansamantalang nasa kustodiya ngayon ng CIDG Batangas ang mga nadakip na sugarol at ang suspek na operator ng gambling den na mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9287 at Presidential Decree 1602. | Koi Hipolito, Contributor