Operating schedule ng mall sa Metro Manila ngayong Holy week

Ilang mall sa Metro Manila ang nag-anunsyo ng kanilang schedule para sa Holy Week, kabilang ang mga mall na magsasara at may mga pinaikling oras ng operasyon.
Ayon sa anunsyo ng Ayala Malls Manila Bay, magsasara ito sa April 17 at 18, o sa mga araw ng Huwebes Santo at Biyernes Santo. Magbabalik ang normal na operasyon sa April 19, Black Saturday.
Ang SM Megamall ay magsasara rin sa parehong araw—April 17 at 18—at magbabalik ang operasyon sa April 19. Ang oras ng operasyon ay mula 10 a.m. hanggang 10 p.m. Ang SM Supermarket sa Megamall ay bukas pa rin sa April 17 at 18, pero may pinaikling oras: mula 8 a.m. hanggang 6 p.m. sa Huwebes Santo at 8 a.m. hanggang 5 p.m. sa Biyernes Santo.
Ang SM City Manila ay magsasara rin sa parehong araw at magbabalik sa Black Saturday na may oras mula 10 a.m. hanggang 9 p.m.
Ayon sa Proklamasyon Blg. 727 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang April 17 at 18 ay mga regular na holiday para sa pagdiriwang ng Huwebes Santo at Biyernes Santo, habang ang April 19 ay isang espesyal na non-working holiday para sa Black Saturday. Abangan pa ang updates ng iba pang mga mall para sa kanilang schedule. | via Allan Ortega | Photo via hoteles.com

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *