Lusot na sa bicameral conference committee ang panukalang 2026 budget ng Office of the President (OP) nitong Martes, December 17.
Nagkakahalaga ng P28 bilyon ang pondo ng OP na mas mataas mula sa nakaraang taon na nasa P15.8 bilyon.
Aprubado na rin ng bicam ang P889.2 milyon ang pondo ng Office of the Vice President (OVP), kapareho ng nakasaad sa National Expenditure Program (NEP).
Matatandaang naunang ibinaba sa P733 million ang panukalang pondo ng OVP sa budget deliberation sa Kamara matapos hindi sagutin ng bise presidente ang mga katanungan kaugnay sa umano’y paggasta sa confidential funds noong 2022 at 2023.
Bukod sa OP at OVP, inaprubahan na rin ng bicam ang panukalang pondo ng Department of Transportation, maging ang P23-B para sa dagdag-budget ng subsistence allowance sa mga military uniformed and non-uniformed personnel.
Samantala, ipinagpaliban muna ang pag-apruba sa 2026 budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ayon kay Senate Committee on Finance Chairperson Win Gatchalian, nagsasagawa pa kasi ng recomputation sa mga presyo ng mga materyales na gagamitin sa mga proyekto ng ahensya. | via Alegria Galimba
