One-stop shop para sa OLA victims, inilunsad ng PAOCC

Naglunsad ang Presidential Anti-Organized Crime Committee (PAOCC) katuwang ang Department of Justice, Philippine National Police (PNP), Securities and Exchange Commission (SEC) at National Telecommunications Commission (NTC) ng one-stop shop kung saan maaaring maghain ng reklamo ang mga biktima ng abusadong online lending apps.

Ito ay matapos ang kabi-kabilaang reklamo na natatanggap ng PAOCC kaugnay sa mga pangha-harass, death threats at overcharging ng mga abusadong online lending app.

Ayon kay PAOCC Executive Director Gilbert Cruz, binuo nila ang one-stop shop para hindi na mahirapan ang mga biktima na magproseso ng kanilang mga reklamo.

Tinitingnan din ng komisyon kung may kaugnayan ang mga OLA sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO). | via Alegria Galimba | Photo Courtesy of Presidential Anti-Organized Crime Commission

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *