Sa ika-apat na State of the Nation Address ni Pangulong Bongbong Marcos ngayong Lunes, sinabi ni PNP Chief Gen. Nicolas Torre III na payag ang pulisya sa mga rally basta nasa batas ang kilos.
Mahigit 16,000 pulis at 7,000 force multipliers ang naka-deploy sa paligid ng Batasan parang concert lang sa dami ng seguridad!
Ani Torre, “Kung gusto nilang magpahayag ng saloobin, go lang basta hindi lumalabag sa batas, poprotektahan natin sila.”
Bawal magsunog ng effigy! Bukod sa delikado raw ito (baka may sasakyang sumabog), pasok din ito sa environmental violations.
Tatlong grupo ang nagpaalam para magprotesta Bagong Alyansang Makabayan (Commonwealth), Tindig Pilipinas (White Plains) at Pro-admin group (Sandiganbayan). | via Allan Ortega | Photo via msn
#D8TVNews #D8TV