Pumasok ang Department of Migrant Workers (DMW) at Legal Education Board (LEB) sa isang partnership upang mas mapalakas ang legal aid na maibibigay sa overseas Filipino workers (OFWs), ayon sa isang press release ng DMW kahapon, June 30, sa DMW Central Office, Mandaluyong City.


Sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., pumirma sina DMW Secretary Hans Leo Cacdac at LEB Chairperson Jason Barlis sa isang Memorandum of Agreement (MOA) upang palakasin ang karapatan, proteksyon, at hustisya para sa OFWs.
Ayon kay Cacdac, ang batas ang pinakamalakas na panlaban ng OFWs kontra sa iba’t ibang uri ng abuso.
“The legal worry that we can take away from our OFWs will go a very long way, the law is the best weapon against exploitation, worry, and all the things that can make OFWs unproductive and distressed,” ani Cacdac.
Dagdag pa rito, sakop din ng kasunduan ang oportunidad ng mga distressed OFW na makakuha ng legal advice mula sa mga legal aid clinics.
Samantala, binigyang diin ni Barlis ang kahalagahan ng kasunduan ng dalawang ahensya, na kung saan magagamit ang natutuhan ng mga abogado sa mga totoong sitwasyon.
On the other hand, it also gives the students a hands-on purpose-driven experience that cannot be taught inside the classroom, doon nila nararamdaman na buhay ang batas dahil ina-apply ito sa totoong buhay,” saad ni Barlis. | via Florence Alfonso | Photo via DMW
#D8TVNews #D8TV