Nakahanda na ang pagsasampa ng non-bailable cases sa Sandiganbayan laban sa mag-asawang Discaya sa mga susunod na linggo, ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon.
Ayon kay Dizon, ito ang unang kasong isinampa ng DPWH laban sa mag-asawa noong Setyembre.
Maliban dito, sisimulan na rin ng ahensya ang pag-iimbestiga sa umano’y koneksyon ng CLTG Builders sa mga Discaya noon pang 2016.
Ngunit ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla, itinanggi naman ng mga Discaya ang joint venture sa nasabing kompanya at sinabing ginamit lamang umano nito ang kanilang lisensya. | via Alegria Galimba
