Pinirmahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang isang batas na nag-uutos ng tama at agarang paglibing sa mga Muslim na yumao, alinsunod sa mga seremonya ng Islam. Ayon sa Republic Act (RA) 12160, ang mga patay na Muslim ay kailangang mailibing agad, may certificate of death man o wala, at bago mag-dasal ng susunod na araw.
Itinatakda ng batas na ang gobyerno ay dapat magbigay ng proteksyon at paggalang sa karapatan ng mga Muslim na maglibing alinsunod sa kanilang relihiyon. Kung walang awtorisadong health officer, ang lokal na pamahalaan ang magsasagawa ng mga kinakailangang dokumento.
Para sa mga layunin ng paglilibing, itinatakda ng batas na ang mga ospital, funeral homes, o anumang katulad na pasilidad ay dapat magbigay ng katawan sa loob ng 24 oras, at ipatupad ang mga alituntunin sa pag-wrap ng katawan.
Ang hindi pagbabayad ng mga hospital bills o iba pang bayarin ay hindi maaaring maging dahilan para ipagpaliban ang pag-release ng katawan. Pinapatawan ng parusa ang mga hindi sumusunod, kabilang na ang pagkakakulong o multa ng hanggang PHP100,000. | via Lorencris Siarez | Photo via PNA/Yancy Lim
#D8TVNews #D8TV