Niana Guerrero, nakasayaw si Lisa ng BLACKPINK!

Dream come true para kay content creator Niana Guerrero matapos makasayaw at makipag-collab kay Lisa ng BLACKPINK! Sa viral video na inupload ni Niana sa Instagram noong Marso 12, todo swag silang sumayaw sa kanta ni Lisa na “FXCK UP THE WORLD.”
Matapos ang kanilang performance, kitang-kitang natuwa si Lisa at hinawakan pa ang balikat ni Niana. “I think we just might,” ani Niana sa kanyang caption.
Bumuhos ang suporta mula sa netizens at celebrities tulad nina Awra Briguela, Issa Pressman, at Darla Sauler. Sa TikTok, umabot na sa mahigit 4.5 million likes at 23.1 million views ang video!
Bago pa ito, napansin na rin si Niana ng K-pop stars tulad nina Jungkook at J-Hope ng BTS, Chanyeol ng EXO, at rapper Lee Young-ji. Nakipag-collab din siya sa international stars na sina Troye Sivan, Sabrina Carpenter, at Meghan Trainor.
Ngayong 2024, proud si Niana na matawag na global youth icon, isang responsibilidad na kanyang pinapahalagahan. | via Allan Ortega | Photo via nianaguerrero/(TikTok)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *