Inihayag ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na walang naapektuhang transmission lines sa Luzon, Visayas, at Mindanao matapos tumama ang Severe Tropical Storm Crising.
Tuloy-tuloy pa rin ang mahigpit na pagbabantay ng NGCP sa epekto ng habagat o southwest monsoon, lalo na kung magdudulot ito ng banta sa operasyon ng grid.
“Normal ang lahat ng transmission facilities,” ayon sa NGCP, at handa silang mag-activate ng 24/7 operations kung kinakailangan.
Tiniyak ng ahensya ang kanilang kahandaan, mabilis na tugon, at tuloy-tuloy na serbisyo sa gitna ng banta ng mga kalamidad. | via Allan Ortega | Photo via powerphilippines.com
#D8TVNews #D8TV