Ayon sa National Food Authority (NFA), pasok sa target ang Marcos admin pagdating sa food security, lalo na sa bigas! Mula sa dating isang araw lang na reserba, ngayon ay may 9.36 days na tayong buffer stock! Ibig sabihin, kahit may emergency, hindi agad tayo mawawalan ng bigas!
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni NFA Admin Larry Lacson na ang rice supply ang sukatan ng food security, at patuloy ang pagtaas ng ating stock. Target pa ngayong taon: 15-day buffer stock!
Kabuuang 358,000 metric tons o 7.16 million bags ng bigas ang nasa kamay ng NFA – sapat para pakainin ang buong bansa sa loob ng 9.36 araw!
Dagdag pa riyan, 2.2 million bags ng palay ang nabili mula sa mga magsasaka sa halagang PHP 2.6 billion! Pinaganda pa ang “fast lane” program – mula 50, pwedeng magbenta ng 70 bags kada transaksyon ang mga maliliit na magsasaka. | via Allan Ortega | Photo via PNA
NFA: Nasa tamang direksyon ang Pilipinas sa layunin nitong tiyakin ang seguridad sa pagkain dahil sa sapat na reserba ng bigas
