Pinuri ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang maagang pagkumpleto ng bagong footbridge at concourse sa Kamuning Station ng EDSA Busway, na inaasahang magpapadali sa araw-araw na pag-commute ng mahigit 750,000 pasahero.
Kasama si First Lady Liza Araneta-Marcos at DPWH Sec. Vince Dizon, ininspeksyon ng Pangulo ang bagong covered footbridge na may elevator, wheelchair lift, at pedestrian-friendly walkway, kapareho ng SM North Concourse.
Pinalitan nito ang matarik na “Mount Kamuning” footbridge, na hindi na bukas sa publiko.
Nangako ang Pangulo na sisiguruhin niya ang maayos na maintenance ng bagong pasilidad para sa mas ligtas at komportableng pag-access ng mga commuters.
Ang Kamuning footbridge at Busway station project ay bahagi ng EDSA Busway System modernization ng DOTr, na isinagawa kasama ang MMDA at DPWH, at naglalayong gawing mas ligtas, accessible, at efficient ang paglipat-lipat ng mga pasahero sa EDSA. | via Allan Ortega, D8TV Correspondent
