Netizens, binatikos Paris trip ni Heart Evangelista

Umani ng samu’t saring reaksyon ang isang Instagram reel ng French high-fashion jewelry brand na Gas Bijoux, matapos mapansin dito ang asawa ni Senator Chiz Escudero na abalang nagsusukat ng iba’t ibang alahas sa isang boutique sa Paris.


Si Heart ang unang nakakita ng ekslusibong Christmas collection nila, ayon sa social media post ng Gas Bijoux.

Agad namang naglabas ng negatibong komento ang mga netizens tungkol sa post dahil imbes na tumulong si Heart sa mga nasalanta ng bagyo sa Sorsogon at iba pang lugar sa Bicol ay mas inasikaso umano nito ang pagsukat ng mga alahas.

May nagsasabi naman na sinasadya umano ng mga basher ang kanilang pagkomento para makarating ito sa may-ari ng Gas Bijoux at maging sa social media manager ng brand. | via Anne Jabrica, D8TV News Intern

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *