Netflix magtataas presyo sa Hunyo

Magtataas sa Hunyo ang streaming service na Netflix ng kanilang Monthly Subscription, ito ay dahil sa implementasyon ng 12% value-added tax (VAT) para sa mga digital services.

Sa advisory na inilabas ng Netflix, nakasaad rito na ia-apply ang VAT sa mga memberships. Nakasaad rin dito na simula Hunyo 1 2025 ang mga sumusunod ay ang kanilang rates:
Mobile: P169 kada buwan mula sa P149.
Basic: P279 kada buwan mula sa P249
Standard: P449 kada buwan
Premium: P619 kada buwan

May dagdag naman P169 para sa kada slot na idadagdag sa kanilang mga memberships.
Noong nakaraang buwan ay nag anunsyo ang Steam, isang digital distribution service na gawa ng kumpanyang Valve na nagtaas na sila ng presyo ng kanilang serbisyo dahil sa VAT. Inaasahan din ang pagtaas ng mga serbisyo sa ibang digital services tulad ng Disney+, Prime Video, Max, Spotify, and Apple Music. | via Dee Miranda | Photo via Netflix Website

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *