Nepal PM, nagbitiw sa gitna ng protesta laban sa social media ban

Nagbitiw sa puwesto si Nepal Prime Minister K.P. Sharma Oli nitong Martes, matapos ang marahas na kilos-protesta laban sa social media ban na nagresulta sa 19 na patay at mahigit 100 sugatan.

Nagpatupad ng curfew ang gobyerno ngunit hindi napigil ang mga demonstrador na nagtangkang sugurin ang parliyamento. Gumamit ng tear gas at rubber bullets ang pulisya para magpaalis ng mga tao.

Bagama’t inalis ang ban matapos lumala ang kaguluhan, nagpatuloy pa rin ang protesta na tuluyang nag-udyok kay Oli na magbitiw.

Sa kanyang liham kay President Ramchandra Paudel, sinabi ni Oli na nagdesisyon siyang bumaba “upang mapadali ang solusyon at maresolba ang krisis alinsunod sa konstitusyon.”

Itinuturing ang kaguluhan bilang pinakamatindi sa loob ng maraming dekada sa Nepal, bansang matagal nang humaharap sa political instability at economic uncertainty mula nang maalis ang monarkiya noong 2008. | via Lorraine Dionela, D8TV News | Photo via Reuters

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *