Planong patatagin pa ng Quirino Memorial Medical Center (QMMC) ang kanilang neonatal services gamit ang donasyong ibinigay ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) kahapon, June 23.
Nagkakahalaga ang donasyon ng mahigit ₱6.75 million na siyang gagamitin ng QMMC upang pagandahin ang kanilang pasilidad, partikular ang kanilang mga incubator.
“Ang bukas palad na donasyon para sa mga infant incubator ay hindi lamang kagamitang pang medikal kundi isa rin simbolo ng pag-asa, malasakit at buhay para sa mga bagong silang na nangangailangan ng espesyal na pangangailangan sa pagkasilang,” saad ng QMMC.
Ang nasabing pagbibigay donasyon ay pinangunahan nina PAGCOR Corporate Social Responsibility Vice President Ramon Stephen Villaflor. | via Florence Alfonso | Photo via PAGCOR
#D8TVNews #D8TV