Negros Occidental, pinarangalan sa Para El Mar Awards 2025!

Itinanghal na Outstanding Network ang Southern Negros Coastal Development Management Council o SNCDMC, na may lawak na halos 1,600 ektarya.

Natalo nito ang dalawang finalist mula sa Palawan, ang Calamianes Island Group at Shark Fin Bay MPA Network.


Ang SNCDMC ay nagtagumpay sa pagpapanatili ng yamang-dagat mula sa pawikan at dugong hanggang sa mga blacktip shark, mameng fish, at giant clams. Dahil dito, dumami ang isda, lumawak ang mangroves, at umangat ang kita ng mga mangingisda sa pamamagitan ng eco-tourism.


Ayon sa probinsya, higit 95 miyembro mula sa LGUs, NGOs, at iba pang institusyon ang nagkakaisa para protektahan ang karagatan. Pinangunahan naman ito ng gobernador bilang honorary chairperson.


Ayon SNCDMC, ang tagumpay na ito ay hindi lang para sa Negros kundi inspirasyon para sa buong bansa na sama-samang kayang pangalagaan ang ating likas na yaman.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *