Mino-monitor ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang posibilidad ng mga anti-corruption rally kahit kasabay ng paggunita ng Undas o All Saints’ at All Souls’ Day.
Ayon sa Philippine National Police (PNP), mahigit 31,000 pulis ang ide-deploy para tiyakin ang seguridad ng mga biyahero at publiko.
“We can’t ever discount the possibility that protesters will take this opportunity to gather,” ayon kay Maj. Hazel Asilo, tagapagsalita ng NCRPO, na nagsabing bahagi ng kanilang paghahanda ang pag-deploy ng mga tauhan.
Handa rin umano ang Reserve Standby Support Force (RSSF) at may 600 pulis mula sa regional unit na nakahanda sakaling magkaroon ng “lightning rallies.”
Kasunod ito ng mga rally noong Setyembre 21 kaugnay ng umano’y anomalya sa mga flood control project.
Ang grupong Trillion Peso March ay nag-anunsyo ng protesta tuwing Biyernes bilang paghahanda sa malaking kilos-protesta sa Nobyembre 30.
Nananatiling naka-alerto ang PNP sa mga lingguhang pagkilos na ito. | via Allan Ortega
