Inirekomenda ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagsasampa ng kaso laban sa mga umano’y sangkot flood control project scam.
Ayon kay Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla, kabilang dito ang mga mambabatas na unang pinangalanan ni dating Bulacan District Engineer Henry Alcantara sa pagdinig ng Senado nitong Martes, September 23.
Ito ay sina Senators Joel Villanueva, Jinggoy Estrada, dating Caloocan Rep. Mitch Cajayon-Uy, Ako Bicol Rep. Zaldy Co at retired Department of Public Works and Highways (DPWH) Usec. Roberto Bernardo.
Kasong indirect bribery at malversation of public funds ang posibleng isampa sa mga ito.
Maglalabas din ng freeze order ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) laban sa bank accounts sa mga nabanggit na indibidwal. | via Alegria Galimba, D8TV News
#D8TVNews #D8TV
