Itinanggi ng National Bureau of Investigation (NBI) nitong Lunes ang mga paratang ni dating Anakalusugan party-list representative Mike Defensor na dinetena at tinortyur umano ng ahensya ang aide ni dating kongresista si Zaldy Co.
Sa pahayag noong Nobyembre 17, sinabi ng NBI na “walang basehan,” “hakang-haka,” at “walang ebidensya” ang mga alegasyon ni Defensor. Giit nila, walang rekord o reklamo na nagpapakitang nasaktan sina John Paul Estrada at ang kanyang asawa, at wala ring tala na nasa kustodiya sila ng NBI.
Mariing kinondena ng ahensya ang anumang “mali, malisyoso, at di-beripikadong pahayag” na sumisira sa integridad nito, at iginiit ang kanilang paninindigan sa transparency at due process. | via Allan Ortega
