Kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) na humingi sila ng tulong sa International Criminal Police Organization o Interpol para madakip si dating Ako Bikol Party-list Representative Zaldy Co.
Ayon sa NBI, ni-request nila ang red notice mula Interpol matapos mag-issue ng arrest warrant ang Sandiganbayan laban kay Co at 15 pa kaugnay sa mga maanomalyang flood control project.
Ang Interpol red notice ay isang request sa law enforcement agencies sa buong mundo para hanapin at arestuhin ang isang pugante mula sa kaniyang bansa.
Pinaniniwalaang nasa Portugal sa pamamagitan ng isang Portuguese investor’s visa si Co.
Matatandaang nasangkot si Co at ang kanyang kumpanyang Sunwest Construction sa paggawa ng substandard na road dike project sa Oriental Mindoro na nagkakahalaga ng P290 million. | via Allan Ortega
