NBI “Gumamit ng drone ang mga foreign “spies” para manmanan ang PH, US naval assets

Anim na banyaga—limang Tsino at isang Cambodian—ang inaresto sa Grande Island, Subic Bay noong Marso 19 dahil sa umano’y espiya. Ayon sa NBI, nagpapanggap silang mga mangingisda habang gumagamit ng high-tech na drone para subaybayan ang kilos ng mga barkong pandigma. Kasama ring naaresto ang kanilang Pilipinong bodyguard.
Ayon kay NBI Cybercrime Division Executive Officer Van Homer Angluben, matagal nang minamanmanan ang grupo matapos mapansin ang kanilang kahina-hinalang kilos sa isla. Nakuhanan ng ebidensya ang mga suspek, kabilang ang litrato ng barkong pandigma ng US at isang listahan sa wikang Tsino na may tala ng mga barkong pumapasok at lumalabas sa Subic Bay.
Bukod dito, nakumpiska rin ang mga pekeng dokumento ng Bureau of Internal Revenue. Patuloy ang imbestigasyon habang nasa kustodiya na ang mga nahuli. | via Allan Ortega | Photo via msn

D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *