NBI Director Jaime Santiago, nagbitiw na sa pwesto

Nagbitiw na sa pwesto ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago.

Noong Biyernes ay naghain ng irrevocable resignation si Santiago kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon sa liham ni Santiago, mayroong mga naninira sa kanya na naghahangad ng kanyang posisyon na nagsimula pa noong ipag-utos ng Pangulo ang courtesy resignation sa kanyang gabinete.

Nakasaad din dito na ang kanyang pagbibitiw ay dahil ayaw nitong masira ang kanyang reputasyon na kanyang binuo sa mahabang panahon.

Sa huli, nagpasalamat naman si Santiago sa Pangulo pagkakataong ibinigay nito para maging parte ng administrasyon. | via Alegria Galimba

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *