Nawawalang Pinoy sa sunog sa Switzerland, natagpuan na

Natagpuan na ang 16-taong gulang na Pilipino na naiulat na nawawala matapos ang malagim na sunog sa isang bar sa Switzerland noong December 31.

Kinilala ang biktima na si Kean Kaizer Talingdan, na kasalukuyang nagpapagaling sa isang ospital sa Zurich matapos magtamo ng malubhang mga paso sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Mismong si Kean ang tumawag sa kanyang ama sa pamamagitan ng telepono ng isang rescuer upang ipaalam na siya ay buhay at nasa maayos nang kalagayan.

Matatandaang umabot sa halos 40 ang nasawi sa sunog habang mahigit 100 ang nasugatan habang nakabakasyon doon si Kean kasama ang tatlo niyang kaklase para sa holiday season.

Kasalukuyang tuloy-tuloy pa rin ang imbestigasyon hinggil sa sanhi ng sunog at pagkakakilanlan ng mga biktima. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *