Navotas Rep. Tiangco, nanawagan na kanselahin ang passport ng mga sangkot sa isyu ng flood control

Muling nanawagan si Navotas Rep. Toby Tiangco sa Department of Foreign Affairs (DFA) na kanselahin ang pasaporte ng mga umano’y sangkot sa isyu ng maanomalyang flood control projects.

Ayon kay Tiangco, maaari itong gawin ng DFA ang nasabing hakbang para sa kapakanan ng national security, batay sa Republic Act 11983 o New Philippine Passport Act.

Dagdag pa ng mambabatas, posible kasing maapektuhan ang integridad ng imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) kung hindi mapapabalik ng bansa ang mga sangkot sa anomalya.

Matatandaan noon pa pinanawagan ni Tiangco ang pagpapakansela sa pasaporte ni dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co para mapigilan ang pag-a-apply nito ng citizenship sa bansa na walang extradition treaty ang Pilipinas. | via Alegria Galimba

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *