Umarangkada na ang nationwide voters’ registration na tatagal ng pitong buwan ngayong Lunes, Oktubre 20.
Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Chairman George Garcia, magtatapos ang registration sa Mayo 18 sa susunod na taon, inaasahang aabot sa 1.4 milyong bagong botante ang magpaparehistro.
Hindi kasama rito ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) dahil may sarili itong iskedyul mula Mayo 1 hanggang 18.
Matatandaang noong Agosto, nagsagawa na rin ng voters’ registration ang Comelec kung saan mahigit 2.7 milyong aplikante ang nakapagtala sa loob lamang ng 10 araw.
Paalala ng Comelec, huwag sayangin ang karapatang bumoto.
Magparehistro, makilahok, at maging bahagi ng pagbabago sa darating na halalan. | via Ghazi Sarip
