Nasakote, Chinese fugitive sa Parañaque

Isang puganteng Chinese na wanted sa China dahil sa kasong ilegal na droga ang naaresto ng Bureau of Immigration (BI) sa Parañaque City.

Kinilala ng mga awtoridad ang suspek bilang si Feng Yuan, 42, na may outstanding warrant of arrest sa China kaugnay ng malawakang drug trafficking operation. Ayon sa BI, si Feng ay nasa watchlist ng International Criminal Police Organization (Interpol) at matagal nang sinusubaybayan. Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, isinagawa ang operasyon matapos makatanggap ng impormasyon mula sa Chinese government at iba pang international law enforcement agencies.

Inihahanda na ng BI ang mga dokumento para sa agarang deportation ni Feng pabalik sa China para harapin ang kanyang mga kaso. Pinaalalahanan din ng ahensya ang publiko na maging mapagmatyag at agad i-report ang presensya ng mga dayuhang sangkot sa ilegal na aktibidad. | via Dann Miranda | Photo via PNA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *