Naitala ng PHIVOLCS ang pagtaas ng aktibidad ng Bulkang Bulusan sa Sorsogon, kung saan 94 na lindol ang naitala mula alas-3 ng madaling araw, ayon sa abiso nitong Lunes ng gabi.
Ayon sa PHIVOLCS, karamihan sa mga lindol ay mahihina at mababaw na volcano-tectonic (VT) na lindol – 90 ang sanhi ng pagbitak ng bato, habang 4 ay low-frequency earthquakes na dulot ng paggalaw ng likido sa ilalim ng bulkan.
Lahat ng lindol ay nagmula sa ilalim ng Bulusan, nasa lalim na 20 km pababa, ngunit halos kalahati ay mababaw lang. Samantala, mahina hanggang katamtaman lang ang pagbuga ng gas mula sa bunganga ng bulkan.
Paliwanag ng PHIVOLCS, maaaring may “hydrothermal activity” sa loob ng bulkan na siyang nagdudulot ng pressure – posibleng magbunga ng biglaang phreatic o steam-driven eruption kahit walang babala!
ALERT LEVEL 0 pa rin ang Bulusan, pero pinapayuhan ang publiko na iwasan ang 4-km Permanent Danger Zone, lalo sa south-southeastern slopes. Panganib pa rin ang posibleng pagguho ng lupa, pagbagsak ng bato, ballistic projectiles, at maliliit na pyroclastic flows.
BABALA SA MGA PILOTO! Iwasang lumipad malapit sa bunganga ng bulkan – ang abo mula sa biglaang pagsabog ay delikado sa eroplano! | via Allan Ortega | Photo via PNA
#D8TVNews #D8TV