Napoles, guilty na naman

Muling napatunayang guilty ang tinaguriang “pork barrel scam queen” na si Janet Lim-Napoles sa kasong graft, dalawang bilang ng malversation of public funds, at dalawang bilang ng falsification of public documents.

Ang mga kasong ito ay kaugnay ng maling paggamit ng Priority Development Assistance Fund o PDAF, kung saan umano’y inilipat ang pondo sa mga pekeng non-government organizations na kontrolado ni Napoles. Kapalit daw nito, nakatanggap siya ng malalaking kickback mula sa mga proyektong hindi naman naipatupad.

Kasama rin sa mga nahatulan ang pangulo ng National Livelihood Development Corporation at si Michael Benjamin, na dating political affairs chief ni dating Senador Gregorio “Gringo” Honasan. Itinuturing itong isa sa mga huling natitirang kaso na may kaugnayan sa malawakang pork barrel scam na yumanig sa bansa noong 2010.

Sa desisyong ito ng Sandiganbayan, muling pinaalalahanan ang publiko na walang sinuman ang dapat ituring na higit sa batas. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *