#NandoPH, bahagyang lumakas

Bahagyang lumakas ang Bagyong Nando, ayon sa PAGASA nitong Biyernes ng umaga. Huling namataan ito sa layong 1,075 km silangan ng Gitnang Luzon, taglay ang hangin na 75 kph at bugso na hanggang 90 kph.


Wala pang nakataas na storm signal at hindi pa direktang makakaapekto si Nando sa bansa sa susunod na 48 oras.


Gayunman, inaasahang palalakasin nito ang habagat simula Sabado, na magdudulot ng malalakas na hangin sa Ilocos Region, Zambales, Bataan, Bicol, at Eastern Visayas.


Posibleng dumaan malapit o mag-landfall sa Babuyan Islands si Nando sa unang bahagi ng susunod na linggo, bago ito lumabas ng PAR sa Martes.


Samantala, asahan ang moderate to rough seas sa mga baybayin ng Luzon simula Linggo. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *