Inanunsyo ng Department of National Defense (DND) at Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) ang mga activity para sa 83rd Araw ng Kagitingan at Philippine Veterans Week mula April 5 hanggang 11. Layunin nitong ipagdiwang ang kabayanihan ng mga sundalong Pilipino sa World War II.
Ayon kay DND Assistant Secretary Arsenio Andolong, iniimbitahan ang lahat ng Pilipino na makiisa sa mga activity bilang paggalang sa sakripisyo ng mga beterano. Ang tema ng taon ay “Kabayanihan ng Beterano: Sandigan ng Kaunlaran ng Bagong Pilipinas,” na nagtatampok sa kanilang kontribusyon sa pagbuo ng bansa.
Mag-uumpisa ang selebrasyon sa April 5 ng Sunrise Ceremony sa Libingan ng mga Bayani, at magpapatuloy sa mga event tulad ng wreath-laying sa Fort Bonifacio at ang 83rd Araw ng Kagitingan sa Bataan sa April 9 na pangungunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. May mga libreng activity din na bukas sa publiko, pati na ang Faces of Valor Exhibit sa UST mula April 21 hanggang 30.
PVAO rin ay magbibigay ng live broadcast ng mga pangunahing event para sa mga nais makasaksi. Huwag kalimutan, may mga libreng biyahe sa LRT at MRT para sa mga beterano. | via Allan Ortega | Photo via PNA
Nananawagan ang DND sa lahat ng Pilipino na pahalagahan ang kabayanihan ng mga beterano ng digmaan
