Nanalo ang Lakas-CMD ng 104 na puwesto, nangakong susuporta sa Bagong Pilipinas ni PBBM

Lalong pinatibay ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) ang kanilang kapangyarihan sa Kamara matapos makuha ang 104 sa 128 puwesto sa Kongreso sa katatapos lang na Mayo 12 midterm elections!

Ayon kay Anna Capella Velasco, Executive Director ng Lakas-CMD, base sa datos ng Comelec, nanalo ang karamihan sa kanilang mga kandidato, na mas lalo pang nagpapalakas ng kanilang pwersa sa papasok na ika-20 Kongreso.

Sabi ni House Speaker Martin Romualdez, pangulo ng partido at kinatawan ng Leyte, ang tagumpay ay patunay ng tiwala ng taumbayan โ€” hindi lang sa mga kandidato, kundi sa pamumuno at pagkakaisa ng Lakas-CMD.

โ€œHindi lang kami nanalo โ€“ binubuo namin ang matagalang pamumuno para sa Bagong Pilipinas,โ€ giit ni Romualdez.

Sa 104 panalo, 79 ay mga re-electionists habang 25 ang mga bagitong mambabatas, dahilan para lalong tumatag ang posisyon ng partido sa Kamara.

Tiniyak din ni Romualdez ang pakikipagtulungan ng Lakas-CMD sa Alyansa Para sa Bagong Pilipinas, pabor kay Pangulong Bongbong Marcos, para sa mga batas na magbibigay ng trabaho, proteksyon sa mahihirap, at edukasyon para sa lahat. | via Allan Ortega | Photo via House of Representatives

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *