Nakita sa x-ray ni Pope Francis na may kaunting improvement na sa kanyang baga – Vatican

Ayon sa Vatican Press Office, lumabas sa X-ray ni Pope Francis na may kaunting improvement sa kanyang impeksyon sa baga.
Ang 88-anyos na Santo Papa na na-discharge mula sa Gemelli Hospital noong Marso 23 matapos ang 38 araw na pananatili roon. Siya ay nasa two months recovery pa mula sa matinding pneumonia.
Nananatiling maayos ang kondisyon ni Pope Francis—normal ang dugo, mas lumalakas ang boses at paghinga, pero patuloy pa rin ang paggamit ng high-flow oxygen, lalo na sa gabi.
Kahit bumubuti, di pa tiyak kung makakadalo siya sa mga pagdiriwang ng Holy Week. Sa ngayon, patuloy siyang nagtatrabaho mula sa kanyang opisina. | via Allan Ortega | Photo via ANSA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *