Super Typhoon Nando nananatiling malakas at posibleng dumaan malapit o mag-landfall sa Babuyan Islands ngayong Lunes ng tanghali o hapon, ayon sa PAGASA. Itinaas na ang Signal No. 5 sa hilagang bahagi ng Babuyan Islands.
Taglay ni Nando ang hanging 205 kph at bugso na umaabot sa 250 kph. Huling namataan ito 245 km silangan ng Calayan, Cagayan kaninang madaling-araw.
Signal No. 5: Northern Babuyan Islands, Signal No. 4: Southeast Batanes, natitirang Babuyan, NE Cagayan, Signal No. 3: Rest of Batanes, Cagayan (north & central), Apayao, Ilocos Norte, Signal No. 2: Isabela, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Ilocos Sur, N. La Union at Signal No. 1: Central Luzon, Aurora, Pangasinan, Polillo Islands, N. Quezon.
Inaasahan din ang malalakas na ulan at hangin sa Luzon at Visayas dahil sa habagat at trough ni Nando.
May storm surge na posibleng higit 3 metro sa coastal areas ng Batanes, Cagayan (kasama Babuyan), Ilocos Norte at Sur sa susunod na 24 oras. | via Allan Ortega, D8TV News | Photo via DOST-PAGASA
#D8TVNews #D8TV
