Umugong na naman ang Taal Volcano matapos magtala ang Phivolcs ng 16 volcanic earthquakes sa loob lamang ng isang araw, ayon sa ulat ngayong Miyerkules ng umaga.
Mayroon ding 8 volcanic tremors na tumagal ng 2 hanggang 32 minuto! Ayon sa Phivolcs, ang ganitong klaseng pagyanig ay dahil sa paggalaw ng magma sa ilalim ng bulkan, kaya hindi ito karaniwang lindol na dulot ng pagkabitak ng lupa.
Bukod pa rito, may moderate sulfur dioxide emission na naitala β 381 metric tons, mas mababa sa mga nakaraang araw pero hindi raw ito dapat ipagsawalang-bahala. Umabot ng 900 metro ang taas ng ibinugang gas na lumipad pa-hilagang silangan.
Walang bagong pagtaas ng mainit na tubig sa crater lake, at wala ring vog o volcanic smog na nakita. Pero kahit kalmado sa paningin, nananatiling nasa Alert Level 1 ang Taal β senyales ng low-level unrest.
Babala ng Phivolcs huwag maging kampante! Abnormal pa rin ang kondisyon ng bulkan. Bantayan pa rin ang posibleng panganib ng pagputok! | via Lorencris Siarez | Photo via DOST-PHIVOLCS
#D8TVNews #D8TV