Natanggap na ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang unang set ng ebidensiya sa kasong crimes against humanity na isinampa laban sa kanya sa International Criminal Court (ICC).
Ayon kay ICC prosecutor Karim Khan, umabot sa 181 confidential items ang isinumite sa depensa, na kinabibilangan ng mga materyales na binanggit sa warrant of arrest laban kay Duterte.
Hindi isiniwalat ang eksaktong detalye ng ebidensiya, pero bahagi ito ng “disclosure of evidence” na tinitiyak na alam ng akusado ang mga ebidensiyang gagamitin laban sa kanya.
Pinadadalhan din ng ICC ng tanong ang kampo ni Duterte kaugnay ng kanilang posibleng depensa, kabilang ang posibilidad ng pagsusumite ng sariling ebidensiya at mga testigo.
Ang confirmation of charges hearing ay itinakda sa Setyembre 23! | via Allan Ortega | Photo via PNA
#D8TVNews # D8TV