Nakahanda na ang MMDA Traffic Management and Deployment para sa Holy Week 2025

Inanunsyo ng MMDA sa pamumuno ni Chairman Atty. Don Artes na fully deployed ang kanilang 2,542 field personnel at 468 equipment para tiyakin ang maayos na daloy ng trapiko at kaligtasan ng mga biyahero ngayong Holy Week.


Mula April 16, walang absent, walang day-off ang traffic enforcers. May skeletal force naman sa April 18-20 lalo na sa mga lugar ng Visita Iglesia gaya ng Antipolo at Grotto.
Naka-standby rin ang Road Emergency Group, may ambulansya’t tow trucks sa mga matataong lugar, at may inter-agency support desks sa bus terminals.
24/7 din ang monitoring ng MMDA Command Center gamit ang CCTVs sa critical areas.
Malinis at ligtas din ang mga kalsada dahil sa tuloy-tuloy na clearing at cleaning ops.
Good news sa mga biyahero! Papayagan ang provincial buses sa EDSA mula 10 p.m. hanggang 5 a.m. sa April 9 at April 16-20. Sa North, Cubao ang bagsakan; sa South, Pasay.
Walang number coding sa April 17 (Maundy Thursday) at April 18 (Good Friday).
Paalala ng MMDA: Iwasan ang mga colorum at out-of-line na sasakyan! Sa emergency, tumawag lang sa MMDA Hotline 136.


At bilang tugon sa nag-viral na insidente, ipinagbawal na ni Artes ang pagdo-dokumento ng mga empleyado at vloggers sa gitna ng MMDA operations. Ang opisyal na updates ay manggagaling lamang sa MMDA PIO. | via Allan Ortega | Photo via MMDA Media Group

#D8TVNews D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *