Mahigit 800,000 aplikasyon para sa voters’ registration ang na-proseso ng Comelec para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Nobyembre 2026.
Ayon sa pinakahuling datos, umabot na sa 877,422 ang kabuuang bilang ng mga aplikasyon sa buong bansa. 682,268 para sa barangay elections at 195,154 para sa SK.
Sa bilang na ito, 240,743 ang bagong rehistradong botante na 18 years old pataas, habang ang 195,154 naman ay mga SK first-time voters na edad 15–17.
Nag-resume ang registration noong Oct. 20, 2025 at tatagal hanggang May 18, 2026.
Tinataya ng Comelec na maaaring umabot sa 1.4 milyon ang bagong botante sa buong registration period.
