Nagulat ang lahat nang muling nagpakita si Pope Francis sa St. Peter’s Square sa Palm Sunday mass

Sa kabila ng matinding karamdaman, muling nagpakita si Pope Francis noong Linggo ng Palaspas sa St. Peter’s Square habang naka-wheelchair. Matapos ang misa, tinawid niya ang buong plaza, kinawayan at binasbasan ang mga mananampalataya bago bumalik sa kanyang silid sa Santa Marta.


Sa homilyang binasa ni Cardinal Leonardo Sandri, sinabi ni Pope Francis: “Ang daan ng kalbaryo ay daan ng kaligtasan, dahil si Kristo mismo ang naglakad nito para sa atin.” Dagdag pa niya, “Ang paghihirap ni Hesus ay nagiging malasakit kapag tayo ay tumutulong sa mga nahulog, pinanghihinaan ng loob, at hindi na makabangon.”


Matatandaang halos 40 araw ginamot si Pope Francis sa Gemelli hospital dahil sa double pneumonia na muntik nang maging kritikal. Kahit hindi pa ganap na gumagaling, tuloy pa rin ang kanyang tungkulin bilang Santo Papa. Kamakailan lang, bigla rin siyang bumisita sa St. Peter’s Cathedral at Basilica ng Santa Maria Maggiore. Nakipagkita rin siya kina King Charles III at Queen Camilla ng UK noong Miyerkules. | via Allan Ortega | Photo via msn

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *