Opisyal nang nagsimula ang Overseas Absentee Voting (OAV) para sa mga Pinoy sa ibang bansa noong Linggo, April 13, ayon sa COMELEC. Bago nito, tinapos muna ang test voting para sa mga Registered Overseas Voters (ROVs) gamit ang bagong Online Voting and Counting System (OVCS)— isang minuto bago maghatinggabi!
Sa kabuuan, may 1.321 milyong overseas voters, at target ng Comelec na makaboto ang 50% sa kanila. Malalaking bilang ng botante ay mula sa UAE, US, Saudi Arabia, Hong Kong, at Taiwan.
Mula April 13 hanggang May 12, 2025 (PST) ang botohan, kasabay ng voting hours sa Pinas. Internet voting na gamit ang cellphone, laptop, o tablet ang gamay ng mga botanteng naka-enroll sa OVCS—na gagamitin sa 77 out of 93 foreign posts.
New Zealand ang pinakaunang bansa na nagbukas ng botohan. Sinundan ito ng mga bansang tulad ng Australia, Japan, Korea, Brunei, Thailand, UAE, UK, US, at Canada— lahat sunod-sunod na nagbukas depende sa time zone.
Ayon kay Comelec Chairperson George Garcia; “Mas madali na ito. Makaboboto na ang mga kababayan natin kahit saan, basta may internet!” | via Lorencris Siarez | Photo via ccm.net
#D8TVNews #D8TV
