Nagpapagaling ang anak ni Nikki Gil sa sakit na Kawasaki Disease

Ibinahagi ng dating singer at aktres na si Nikki Gil ang pinagdaanan ng kanyang anak na si Maddie matapos itong ma-diagnose ng Kawasaki disease, isang rare na sakit karaniwang nakaaapekto sa mga batang wala pang limang taong gulang.

Sa isang Instagram post noong April 13, inilarawan ni Nikki ang karanasan bilang “pinakamahirap” nilang pinagdaanan bilang magulang. Ang Kawasaki disease ay isang kondisyon kung saan namamaga ang mga daluyan ng dugo, lalo na sa puso, na maaaring magdulot ng seryosong komplikasyon kung hindi maagapan. Bagaman hindi ito nakakahawa, ang sanhi nito ay nananatiling hindi tiyak.

Sa kabila ng pagsubok, nagpasalamat si Nikki sa Diyos, sa kanilang pamilya, at sa mga doktor na tumulong sa paggaling ni Maddie. Sa kasalukuyan, nagpapagaling na si Maddie sa kanilang tahanan, at patuloy ang kanyang recovery. Nagpaabot naman ng suporta at panalangin ang mga kaibigan at tagahanga ni Nikki para sa mabilis na paggaling ng kanyang anak. | via Dann Miranda | Photo via Nikki Gil IG

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *