Naglabas ang PHLPost ng mga commemorative stamp bilang paggunita kay Pope Francis

Naglabas ang Philippine Postal Corporation (PHLPost) ng espesyal na commemorative stamp bilang paggunita sa yumaong Pope Francis, na pumanaw noong Abril 21, 2025. Ayon kay Postmaster General Luis Carlos, ito raw ay munting handog ng bansa para sa isang lider ng pananampalataya na tumatak sa puso ng milyun-milyong Pilipino.

Tampok sa selyo ang dalawang disenyo—isa para sa espiritwal na kababaang-loob ng Santo Papa, at isa pa sa kanyang adbokasiya para sa kapayapaan, katarungang panlipunan, at pangangalaga sa kalikasan. May 20,000 kopya lang ang inilimbag, kaya limited edition ito!

Kasama rin sa release ang 1,000 pirasong First-Day Cover na may petsa ng opisyal na paglalabas. Nauna nang naglabas ng selyo ang PHLPost noong 2015 sa pagbisita ni Pope Francis sa Tacloban matapos ang bagyong Yolanda.

Si Pope Francis, ang ika-266 na Santo Papa, ay kinilala sa kanyang kababaang-loob at malasakit sa kapwa. Ayon sa PHLPost, ang proyektong ito ay bahagi ng kanilang adbokasiya para sa edukasyon, kultura, at kasaysayan. | via Allan Ortega | Photo Courtesy of the PHLPost

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *