Pumirma ng Memorandum of Understanding ang Department of Agriculture (DA) at Philippine Post Office (PHLPost) para palawakin ang kadiwa ng pangulo program sa buong bansa. Ang layunin ng programang ito ay maghatid ng abot-kayang produktong agricultural sa publiko sa pamamagitan ng pagtatayo ng kadiwa stores sa mga piling post offices.
Nakasaad sa kasunduan na ang PHLPost ang mamamahala sa e-commerce at logistics ng programa habang ang DA naman ay sisiguruhin tuloy-tuloy ang supply ng sariwang produkto. Target naman ng programa makapagpatayo ng 67 na kadiwa stores sa PHLPost offices ngayong taon.
Ang hakbang na ito ay inaasahang magpapalakas sa food security at magpapadali ng access ng mga mamimili. Sa pamamagitan ng kolaborasyong ito, layunin ng DA at PHLPost na mapabuti ang kabuhayan ng mga lokal na magsasaka at mangingisda, pati na rin matulungan ang mga pamilyang Pilipino magka-access sa mas abot-kayang mga produkto. | via Dann Miranda | Photo via PHLPost FB Page
#D8TVNews #D8TV