Nagdeklara ang Vatican ng siyam na araw ng pagluluksa para sa Papa simula Sabado

Inanunsyo ng Vatican nitong Miyerkules na magsisimula sa Sabado ang siyam na araw ng pagluluksa para kay Pope Francis, kasabay ng araw ng kanyang libing.

Magkakaroon ng mga panalangin araw-araw sa St. Peter’s Basilica para sa tinatawag na “novemdiales”, na tatagal hanggang May 4.

Ginawa ang anunsyo habang nagpupulong ang mga kardinal ng Simbahang Katolika para talakayin ang mga susunod na hakbang matapos ang pagpanaw ng Argentine na Santo Papa noong Lunes sa edad na 88.

Wala pang itinakdang petsa para sa conclave, ang lihim na pagpupulong ng mga kardinal na wala pang 80 taong gulang upang pumili ng bagong Santo Papa, ngunit ito’y kailangang maganap sa loob ng 15 hanggang 20 araw mula sa pagkamatay ng Santo Papa | via Allan Ortega | Photo via AFP Tiziana Fabi

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *