Filipina tennis star Alex Eala balik-ensayo na sa Rafa Nadal Academy sa Mallorca, Spain, para sa US Open na sisiklab ngayong Aug. 24–Sept. 7. Sa Instagram story na nirepost niya mula sa tatay niyang si Michael Eala, kita siyang naglalaro at mukhang handang-handa nang bumawi.
Pero bago yan, medyo masakit ang nakaraan, huling laban niya sa National Bank Open sa Canada noong July 28 kung saan natalo siya kay Czech ace Marketa Vondrousova, 6-3, 1-6, 2-6. Bukod sa talo, may bonus pang injury sa kaliwang balikat na nagpa-timeout pa sa kanya.
Dahil dito, skip muna siya sa Cincinnati Open at Abierto GNP Seguros sa Mexico sayang kasi sana perfect warm-up sana para sa Grand Slam.
Sa US Open, target ni Alex ang unang panalo sa Grand Slam matapos matalo agad sa opening matches sa Roland Garros at Wimbledon. | via Allan Ortega | Photo via MSN
#D8TVNews #D8TV
