Nagbanta ang North Korea ng matinding pagganti laban sa paparating na US–South Korea military drills mula Agosto 18–28, na itinuturing nilang ensayo para sa pagsalakay. May 28,500 tropang Amerikano sa South Korea na regular na sumasali sa ganitong defensive exercises. Bagaman nagtanggal na ng propaganda loudspeakers sa border ang dalawang panig sa ilalim ng bagong Pangulong Lee Jae Myung bilang hakbang para magpakalma ng tensyon, nananatiling sensitibo ang isyu. Ang dating matigas na polisiya ni ex-President Yoon Suk Yeol ay pinalitan ni Lee ng mas mahinahong approach, kabilang ang pagtigil sa pagpapadala ng propaganda leaflets. | via Allan Ortega | Photo via AFP
#D8TVNews #D8TV