Isang maswerteng mananaya mula sa Mandaluyong City ang tumama sa jackpot na P331 milyon sa Grand Lotto 6/55 nitong Sabado ng gabi!
Ayon sa PCSO, ang nanalong ticket ay may numerong: 30-29-42-28-02-43.
Bukod sa grand winner, 28 bettors ang nakasapul ng tig-P100,000 matapos makuha ang lima sa anim na numero. May 1,224 nanalo ng P1,500 at halos 29,192 katao ang nakakuha ng tig-P60 para sa tatlong tamang numero.
Paalala ng PCSO: Isulat ang pangalan at pirma sa likod ng winning ticket, magdala ng dalawang valid ID., I-claim ang premyo sa PCSO main office sa Shaw Blvd., Mandaluyong. May isang taon para kunin ang premyo at ang premyong higit P10,000 ay may 20% tax (ayon sa TRAIN Law).
Ang Grand Lotto 6/55 ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado. Suportahan ang mga lotto games ng PCSO dahil ang malaking bahagi ng kita nito ay napupunta sa kawanggawa! | via Allan Ortega | Photo via PCSO
#D8TVNews #D8TV