Isang ultra-swerteng bettor ang tumama sa ₱102.3 milyon na jackpot sa 6/42 Lotto noong Martes ng gabi, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO)!
Ang winning numbers? 5-22-14-3-23-11 — at isang nag-iisang tumaya lang ang nakahulma ng kumbinasyon!
Ayon sa PCSO, maaaring i-claim ang premyo sa kanilang main office sa Shaw Boulevard, Mandaluyong. May isang taon ang winner para kunin ang panalo, batay sa Republic Act 1169.
Samantala, walang tumama sa 6/58 Ultra Lotto na may jackpot na P94.9 milyon, at wala ring nanalo sa 6/49 Super Lotto na may premyong P48 milyon. | via Allan Ortega | Photo via IBC TV 13 FB Page
#D8TVNews #D8TV