Nag-iisang mananaya ang nanalo ng P19.4M Lotto 6/42 jackpot prize noong Abril 1, 2025

Hindi biro para sa isang mananaya ng Lotto 6/42 na naging milyonaryo at nagkaroon P19.4 milyon sa unang araw ng April, Martes, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Nabunot ng PCSO ang masuwerteng kumbinasyon ng mananaya na 23-05-39-11-02-07 na may katumbas na premyong P19,410,097.
Wala namang nakahula sa Ultra Lotto 6/58 na may mga numerong 02-21-44-08-11-51, kaya’t umabot na sa P208,185,983.60 ang jackpot nito.
Ganoon din ang nangyari sa Super Lotto 6/49 matapos walang mananaya ang nakatama sa kumbinasyong 20-46-26-41-17-43, na sana’y nagbigay ng premyong P56,512,770.80. | via Allan Ortega | Photo via blogspot.com

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *