Nabuwag drug den sa Camaman-an CDO, anim na suspek arestado!

Isang matagumpay na anti-drug operation ng PDEA RO-X ang nagresulta sa pagbuwag ng isang drug den at pag-aresto sa anim na indibidwal sa Brgy. Camaman-an, Cagayan de Oro City noong Marso 1, 2025. Sa buy-bust operation na isinagawa kasama ang PNP at iba pang ahensya, nasamsam ang 7.14 gramo ng shabu na may halagang P48,552. Ang mga suspek, kabilang ang itinuturong nagpapatakbo ng drug den, ay mahaharap sa kaso sa ilalim ng RA 9165. Patuloy ang pinaigting na kampanya ng PDEA RO-X laban sa iligal na droga sa Northern Mindanao. – via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *